Home NATIONWIDE Malalakas na pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng Luzon sa Habagat

Malalakas na pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng Luzon sa Habagat

60
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng malalakas na pag-ulan sa Northern Luzon, Central Luzon, at kanlurang bahagi ng Southern Luzon ang Southwest Monsoon o Habagat ngayong Miyerkules, Hunyo 3.

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan ay makararanas ng pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan dahil sa habagat.

Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon, nalalabing bahagi ng CALABARZON, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA, ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa habagat.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here