Antipolo City — Umabot sa mahigit P2.2 bilyon ang kabuuang halaga ng mga proyektong imprastruktura na naitala sa Antipolo City 1st District na ipinatupad ng Bell Construction mula 2016 hanggang 2026, batay sa datos mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Transparency Portal.
Ang Bell Construction ay nakarehistro sa pangalan ni Elmer De Leon, ama ng professional volleyball player na si Bea de Leon.
Sa parehong distrito, nagsilbing kinatawan sa House of Representatives sina Cristina Roa‑Puno (2016–2019), Roberto Puno (2019–2025), at kasalukuyang Deputy Speaker na si Ronnie Puno.
Batay sa DPWH Transparency Portal, nakapagtala ang Bell Construction ng kabuuang 57 infrastructure projects sa Antipolo City 1st District mula 2016 hanggang 2026, na may kabuuang halagang P2,212,791,932.21.






