MANILA, Philippines- Pipigilan ng Commission on Elections ang maling paggamit ng artificial intelligence at troll farms sa 2025 Elections, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia.
Inihayag ni Garcia na ang poll body ay nagpahayag ng mga panuntunan upang subukang i-regulate ang AI, deep fakes, soft fakes at iba pang mga programa.
Ayon kay Garcia, hindi nila tuluyang ipagbabawal ang paggamit ng AI dahil maganda naman ito kapag nagamit nang maayos.
Umaasa ang komisyon na ang paggamit ng tuntunin ay mas magpapadali sa kahilingan sa social media platforms na alisin ang malicious information o news o fake news.
Kasabay nito, sinabi rin ni Garcia na maiparehistro ang mga account ng mga kandidato na kanilang gagamitin.
Parurusahan din aniya ang mga magkakasala o mapatutunayang nakagawa ng maling impormasyon at fake news po.
“Even po yung mga troll farms, we will try to weed out.” Jocelyn Tabangcura-Domenden