MANILA, Philippines – Nagbabala ng Department of Health (DOH) na posibleng kumalat ang sakit tulad ng leptospirosis, dengue at diarrhea kung hindi mapapanatiling malinis ang paligid.
Ang babala ng DOH ay kasunod ng pagkakatala ng halos 95,000 katao o 13,967 pamilya ang nasa evacuation centers dahil sa pananalasa ng mga bagyong Mirasol, Nando, at Opong.
Paalala ng DOH sa publiko: itapon ang basura nang tama, gumamit ng sariling kubyertos, at agad ipagbigay-alam kung puno na ang basurahan.
Para sa mga nais mag-donate, kailangan ang inuming tubig, ready-to-eat food, hygiene kits, malinis na damit, kumot, diapers, face masks, flashlight at basic medicines.
Dagdag pa ng DOH, ang kalinisan at maayos na pamamahagi ng tulong ay proteksyon ng bawat evacuee at buong komunidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden