Home ENTERTAINMENT Mallari at About Us But Not About Us, big winners sa 7th...

Mallari at About Us But Not About Us, big winners sa 7th EDDYs!

Manila, Philippines – Unlike the past years, mga pelikulang galing sa mainstream, particularly Metro Manila Film Festival (MMFF) ang big winners sa 7th EDDYs na ginanap sa Marriott Grand Ballroom Ceremonial Hall last July 7. Maging ang pambato ng cinephiles na Cinemalaya ay kulelat sa awards.

5 awards ang hinakot ng Mallari including ang Best Actor Award ni Piolo Pascual samantalang 4 naman ang About Us But Not About Us.

3 major awards ang nakuha ng huli: Best Film, Best Director, at Best Screenplay.

May bagong category na ring na-introduce which is ang Box Office Heroes kung saan pinarangalan sina Dingdong Dantes and Marian Rivera for Rewind (na 1 bilyong piso ang kinita) pati na rin sinca Julia Montes and Alden Richards for 5 Break-ups and a Romance, na mga bida ng movies na topgrossers ng 2023.

Ang isa pang batch of special awards na naging highlight rin ng gabi ay ang “Icon Award” na iginawad sa mga beteranong artista na sina Eva Darren, Nova Villa, Leo Martinez, Gina Alajar, at Lito Lapid.

Ang iba pang pelikulang nanalo ay ang Third World Romance, Gomburza, Apag, at Shake Rattle and Role Extreme.

Bukod sa pagkilala sa kahusayan sa larangan ng pelikula ay layunin din ng organizers ng The EDDYs na SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors na makatulong sa impoverished communities sa Pilipinas.

Sa umpisa ng ceremony ay ipinakita ang AVP ng pag-aabot nila ng tulong sa mga kababayan natin.

“This is our commitment and payback to the community we serve,” sey ng SPEEd President na si Salve Asis.

Sina Janine Gutierrez, Jake Ejercito, at Gabbi Garcia ang main hosts ng 7th Eddy’s samantalang ilan naman sa performers ay sina Ogie Alcasid, Jed Madelas, at Rampa Reynas ng Rampa Drag Club. Trixie Dauz