Home NATIONWIDE Magsasaka sa Quezon sapul ng kidlatNATIONWIDETOP STORIES Magsasaka sa Quezon sapul ng kidlatJuly 9, 2024 14:05 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Patay ang isang 59-anyos na magsasaka matapos tamaan ng kidlat sa Gumaca, Quezon.Ayon sa Quezon police, natagpuang patay si “Fernando” bandang 3:30 ng hapon sa isang sakahan sa Barangay Casasahan.May sunog ito sa kanang braso na pinaniniwalaan ng mga imbestigador na sanhi ng pagtama ng kidlat.Wala ring senyales ng foul play sa insidente.Ayon sa pamilya ni Fernando, umalis ito sa bahay bandang alas-6 ng umaga para sa mga alagang hayop at hindi na bumalik.Itinala ng pulisya ang pagkamatay ni Fernando na dahil sa “suspected lightning strike.” RNT/JGC