Home METRO Malulusog na asong gala ‘di na dadalhin sa dog pound sa Cebu...

Malulusog na asong gala ‘di na dadalhin sa dog pound sa Cebu City

MANILA, Philippines – Ihihinto na ng Cebu City Department of Veterinary Medicine and Fisheries (DVMF) ang paghuli ng mga malulusog na asong gala.

Ipinaliwanag ni Dr. Alice Utlang, pinuno ng DVMF, na senyales na mayroong may-ari ang mga malulusog na aso.

“Oo, totoo [ito] kasi hindi ko hahayaang mag-viral ang opisina dahil ang daming aso sa pound na ang iba ay hindi na makahiga at hirap makagalaw. Karamihan sa mga ito ay maayos pa ang katawan,” ani Utlang.

Tutukuyin nila ang mga aso na may malusog na pangangatawan “based on appearance.”

“Ibig sabihin mataba, maganda ang katawan, hindi payat at matangkad. Kung ganoon kaganda ang katawan nila, ibig sabihin ay may nag-aalaga sa kanila.”

Kapag natukoy na ang opisina ang mga asong malulusog ay babakunahan ito at mamarkahan ng pink na pinta, nangangahulugan na bakunado na ang mga ito.

Kapag naiuwi na ang aso sa bahay nito ay bibigyan ng citation ticket ang may-ari.

Naniniwala si Utlang na hindi dapat ang aso ang pinaparusahan kundi ang may-aring iresponsable.

Sa ngayon ay isasaprayoridad ng opisina ang pag-impound sa mga may sakit at agresibong aso. Sabay sabing “roaming dogs are sociable” at kayang makisama sa mga tao. RNT/JGC