CAGAYAN, Philippines – Tila telenovela o pelikula ng isang action movie ang nangyari sa isang sangay ng isang appliance store sa Balzain Highway, Tuguegarao City, Cagayan.
Kolektor at kahera ang mga dinale ng suspek na itinago sa pangalang Ambong, 40 anyos, residente ng Blumentritt Street, Centro 1, Tuguegarao City.
Lumalabas na may 3rd party na sangkot dito na nakatuon sa personal na alitan.
Ayon naman kay PCapt.Melody Grace Ballesteros, spokesperson ng Tuguegarao City Police Station aburido daw ang suspek na maaring nagtulak sa kanya para gawin ang pananaksak sa kanyang dalawang tauhan.
Isinugod sa magkakahiwalay na pagamutan sa Tuguegarao City ang dalawang biktima at si Alyas Ambong.
Binabantayan ng mga pulis ang suspek sa ospital kung saan siya naka-confine ngayon.
Dahil dito, sumugod ang SWAT Team ng Tuguegarao City Police Station sa crime scene na sila ang nakipagnegosasyon para sa mapayapang pagsuko ng suspek na nagkulong sa establisimento. (REY VELASCO)