Home METRO Manager ng sagingan binaunan ng bala sa Sarangani

Manager ng sagingan binaunan ng bala sa Sarangani

110
0

Patay ang isang 45-anyos na lalaki na na-promote bilang manager ng isang plantasyon ng saging sa Alabel, Sarangani.

Sinabi ng pulisya na ang biktima ay patungo sa trabaho nang mga oras na iyon sakay ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng salarin na sumusunod sa kanya.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima mula sa .45-cal. baril.

Sinabi ng mga imbestigador na ang pagpatay ay maaaring may kinalaman sa kanyang trabaho.

Tinutugis na ng pulisya ang salarin, habang isinusulat ang balitang ito, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here