MANILA, Philippines – Sasalang sa lie detector test ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mary Ann Maslog– ang textbook scam na inakusahan na pineke ang kanyang kamatayan upang makaiwas sa pag-aresto sa kanya.
Ayon sa NBI, ang lie detector test ay isasagawa kasunod ng rebelasyon sa pagkaka-ugnay ni Maslog kay dismissed mayor Alice Guo ng Bamban Tarlac.
Pangungunahan ni NBI Director Jaime B.Santiago ang lie detector test kasama ang officer on case.
Sa Senate hearing noong Oct.8 , nabunyag na si Maslog ay isa rin sa kinausap ng PNP-Intelligence Group para sa pagsuko ni Guo nang siya ay pinaghahanap pa .Binisita rin ni Maslog si Guo habang nakadetine sa Custodial Center ng PNP sa Camp Crame,Quezon City.
Ang pag-aresto kay kanya ay nag-ugat sa isang reklamo na niloko ng isang Dr.Jesica Francisco sa pagbibigay ng P5 milyon bilang puhunan sa isang proyekto sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa imbestigasyon ng NBI, natuklasan na ang finger print sa biometric printout ng Bureau of Immigration (BI) ay natukoy sa NBI clearance na inisyu kay Mary Ann Maslog o Mary Ann Evanz Basa Tupa Smith.
Dahil dito, natuklasan ng NBI na si Maslog ay may dalawang outstanding arrest warrants na inisyu ng Regional Trial Courts (RTC) ng Makati at ParaƱaque City.
Matapos maisilbi ang arrest warrant at maaresto si Maslog, kinasuhan siya ng NBI sa Quezon City Prosecutor’s Office para sa falsification of public document at paglabag sa Anti-Alias Law.
Sinabi ng NBI na si Maslog ay inakusahan din sa 1999 tax scam at dalawa sa kanyang co-accused officers ng Department of Education (DepEd) na nahatulan at nasintensyahan ng 10 taong pagkakabilanggo.
Gayunman, sinabi ni Santiago na sa paglilitis ng kanyang kaso na iniulat ng kanyang abogado na siya ay patay na. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)