Manila, Philippines – Obyus na walang kaideya-ideya si Ogie Alcasid na ng mga sandali ng kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda nitong May 24, Biyernes ay namaalam na ang kanyang manager na si Leo V. Dominguez.
Leo who owned LVD Management Corp. was 56.
His bereaved family took to Facebook the announcement of Leo’s passing.
Walang binanggit na dahilan o sanhi ng pagkamatay ni Leo.
Ang urn visitation ay gaganapin sa St. Alphonsus Mary de Ligouri sa Magallanes, Makati City sa May 26 mula alas 10 ng umaga hanggang alas dose ng hatinggabi.
Nakikiusap ang pamilya ni Leo na sa halip mag-alay ng mga bulaklak ay mangyaring panalangin na lang.
Sa pagkawala ni Leo sa LVD Management Corp ay patuloy ang operasyon nito sa kanyang dalawang business partners.
llan sa mga inaalagaang artista ng LVD ay sina Ogie Alcasid, Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Snooky Serna, Solenn Heusaff, Ricardo Cepeda, Emilio Garcia at Dina Bonnevie.
Taong 1990s nang itatag ang LVD whose very first talent was then-fastrising singer-songwriter Ogie Alcasid.
Nito ngang Biyernes, masaya pang ibinahagi ni Ogie sa Fast Talk ang ilan sa mga nilikha niyang awitin on keyboards.
Mula sa Remate Online, ang aming pakikiramay sa naulilang pamilya ni Leo. Ronnie Carrasco III