MANILA, Philippines – Wagi ng P115 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Mayo 20, 2026, ang solong mananaya mula Morong, Bataan.
Nahulaan ng mananaya ang tamang kumbinasyon ng numero na 41-08-45-27-09-10 sa Grand Lotto 6/55, na may jackpot prize na P115,358,791.87.
Samantala, wala namang nanalo ng P18,546,872.34 jackpot prize sa Megalotto 6/45 matapos walang makakuha ng tamang kumbinasyon ng numero na 16-45-11-32-23-37. RNT/JGC