MANILA, Philippines – Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) ang halos dalawang kilo ng hinihinalang shabu at naaresto ang suspek sa drug buy-bust operation sa Quiapo, Manila.
Tinangka umanong magbenta ng suspek ng malaking bulto ng methamphetamine hydrochloride sa operasyon noong Mayo 6.
“It’s around two kg… More or less two kg,” sinabi ng NBI forensic team member sa press conference nitong Miyerkules, Mayo 20.
Naniniwala ang mga imbestigador na ang suspek ay bahagi ng isang organisadong grupo na sangkot sa drug distribution.
“With regard to whether this is a syndicate, we can say this is a syndicate,” sinabi ng NBI agent.
Pinaniniwalaan din na ang grupo ay nag-ooperate sa Metro Manila, bagamat hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang lawak ng sakop nito.
Wala namang dayuhan ang nakikitang may kaugnayan sa naturang kaso.
Nagpapatuloy ang case build-up efforts ng mga awtoridad para matukoy ang iba pang indibidwal na konektado sa operasyon at matunton ang source at distribution routes ng mga nakumpiskang droga. RNT/JGC