Home NATIONWIDE PBBM nanawagan sa mga LGU, tumulong sa pagpapalakas ng healthcare initiatives ng...

PBBM nanawagan sa mga LGU, tumulong sa pagpapalakas ng healthcare initiatives ng gobyerno

45
0

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga local government units (LGUs) na palakasin ang kaalaman ng publiko hinggil sa mga programang pangkalusugan dahil maraming mga Pilipino ang hindi batid ang mga benepisyo at ayuda na maaari nilang makuha sa pamahalaan.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos sa panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Provincial Board Members League of the Philippines sa Malakanyang, araw ng Miyerkules na mahalaga ang papel ng mga LGU para makarating maging sa malalayong komunidad ang mga programa ng gobyerno.

“The other example that we need your help in local government is ‘yung sa healthcare system natin. Maraming-marami tayong niro-roll out, pero ang problema, hindi pa alam ng ating mga kababayan na may ganoon,” ani Pangulong Marcos.

Binanggit ng Pangulo ang programang Zero Balance Billing o ZBB, na halimbawa ng programa ng gobyerno na kinakailangan pang malaman ng publiko, kung saan sinabi ng Punong Ehekutibo na “nagugulat ako hanggang ngayon, kasi panay sigaw ko ng Zero Balance Billing at hanggang ngayon, hindi alam ng marami.”

Sa ilalim ng ZBB, nagbibigay ito ng libreng serbisyong medikal sa mga pasyenteng naka-confine sa basic ward accommodations ng mga ospital ng Department of Health.

Ipinunto rin ng Pangulo ang pinalawak na benepisyo ng Philippine Health Insurance Corporation, kabilang ang mas mataas na coverage para sa dialysis, gamutan sa cancer, at maternal healthcare.

Ibinahagi rin ni Pangulong Marcos na marami pa ring pasyente ang nagrereklamo sa mataas na presyo ng gamot kahit may umiiral nang mga programa ng pamahalaan gaya ng libreng gamot na umaabot sa P20,000 kada taon.

“Tapos mayroon ‘yung may sector ng community, nagbibigay naman tayo ng allowance na every year, P20,000 na free medicine. So, hindi alam ng tao ito. Kasi pumupunta pa ako sa hospital, sasabihin sa akin, “Ay naku, kasi napakamahal ng gamot.” Eh sabi namin eh, “Teka, hindi ka dapat

nagbabayad ng gamot,” diin ng Pangulo.

“So, dapat ipaano (ipaalam) natin,” dagdag pa ni Pangulong Marcos. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here