MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Supreme Court ang paglipat sa mandatory electronic filing ng mga piling kaso simula sa Hulyo 1, 2025 na isang makabuluhan na hakbang upang maging makabago ang judicial system ng bansa.
Inanunsyo ni SC spokesperson Atty. Camille Ting na inaprubahan na ng Court en banc ang bagong guidelines hinggil sa e-filing.
Sa ilalim ng transition guidelines, mula July 1 hanggang September 30, 2025, ang mga abugado na maghahain sa Supreme Court ng mga kaso ay kailangan magsumite ng paper at electronic copies ng kanilang pleadings sa pamamagitan ng E-Court PH application na makukuha sa pamamagitan ng Philippine Judiciary Platform (PJTP).
Sa October 1 2025, hindi na tatangapin ang paper copy ng mga pleading at tanging electronic filing ang kinakailangan.
Ang mga kaso na dapat idaan sa e-filing ay mga Petitions for review on certiorari (Rule 45), Reviews of judgments and final orders from the Court of Appeals, Commission on Elections, Commission on Audit (Rule 64), Petitions for certiorari, prohibition, or mandamus (Rule 65), Petitions for contempt, Petitions for prerogative writs gaya ng habeas corpus, amparo, habeas data, writ of kalikasan at continuing mandamus at Quo warranto actions.
Ang mga non-lawyers gaya ng mga law student practitioners, court sheriffs, at ibang court personnel na hindi kabilang sa Philippine Bar ay maaaring maghain ng pleading sa tradisyunal pa rin na paraan.
Sinabi ni Ting na dahil sa bagong digital system, malaki ang maibabawas sa oras ng paghahain ng pleadings at pagpapalabas ng court resolutions.
βIn terms of speed and efficiency, this will be a game-changer. Lawyers and parties will no longer need to wait days for notices to arrive. Everything is delivered instantly through the platform,β ani Ting.
Sa usapin ng cybersecurity, tiniyak ni Ting sa publiko na inilatag ang malakas na proteksyun upang masiguro na ligtas ang mga sensitibong impormasyon. TERESA TAVARES