Home METRO Mangingisda na wanted sa droga, nalambat sa Navotas

Mangingisda na wanted sa droga, nalambat sa Navotas

MANILA, Philippines – Bagsak sa selda ang isang mangingisda na wanted sa illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Anecto Flores Jr, 48 ng Balara St., Brgy. 126, Vitas Tondo, Manila.

Ayon kay Col. Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Navotas police ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa lungsod.

Kasama ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr, agad nagsagawa ang WSS ng joint manhunt operation sa pangunguna ni PCMS Ronie Garan na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-6:00 ng gabi sa kahabaan Marala Bridge, H. Lopez St., Brgy. San Rafael Village.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Navotas City Regional Trial Court Branch 287, para sa paglabag sa Section 12, Art. II, RA 9165 (2 Counts).

Pansamantalang nakakulong ang akusado sa costudial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Boysan Buenaventura)