Home METRO P3.5M shabu nakulimbat sa Lapu-Lapu

P3.5M shabu nakulimbat sa Lapu-Lapu

LAPU-LAPU CITY, Philippines — Nasasam ng awtoridad ang nasa P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Lapu-Lapu City.

Naaresto rin ng pulisya ang isang 28-anyos na lalaki sa anti-illegal drug operation.

Kinilala ni Police Colonel Elmer Lim, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office, ang suspek na si Robert Orongan Quilo-an, 28, residente ng Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City.

Nakumpiska ng pulisya mula sa suspek ang 515 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P3,502,000.

Bukod sa iligal na droga, nakumpiska rin ng mga awtoridad kay Quilo-an ang isang sling bag, boodle money, at P200 cash. RNT