MANILA, Philippines — Namaalam na si Jerrold Mangliwan sa Paris Paralympics matapos na kulelat na magtapos sa heats ng men’s 100-meter T52 ngayong Biyernes (Sept. 6, 2024).
Tinapos ng Filipino wheelchair racer ang huling stint niya sa Paris sa heats sa oras na 19.44 segundo.
Ito ay 3.23 segundo sa likod ng pinakamabilis na racer – si Maxime Carabin ng Belgium.
Sina Marcus Perrineau Daley ng Great Britain, Tomoki Sato ng Japan, Anthony Bouchard ng Canada, Salvador Hernandez Mondragon ng Mexico at Leonardo de Jesus Perez Juarez at Tomoya Ito at Tatsuya Ito ng Japan ay qualified sa final.
Nauna nang nagtapos si Mangliwan sa ikawalo sa men’s 400m T52.
Sa pag-alis ng 44-anyos sa Paris, ang delegasyon ng Pilipinas ay bumaba na sa dalawa — si javelin thrower Cendy Asusano at swimmer Angel Otom.
Ang Pilipinas ay hindi pa nakakakuha ng medalya sa Paralympic Games ngayong taon.JC