Home NATIONWIDE Manhunt kay Atong Ang nagpapatuloy

Manhunt kay Atong Ang nagpapatuloy

113
0

MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang manhunt kay Atong Ang kasunod ng impormasyon na nakita ito sa bansa, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes, Abril 13.

“We are continuing…There was an actual report of an eyeball contact. Ibig sabihin nu’n, nakita siya in person,” saad sa pahayag ni Remulla.

“Immediately, gumawa kami ng follow-up operations. Namintis namin. So ang last report ay nakita siya rito sa Pilipinas. I was personally part of the raiding team. Pumunta ako mismo pero hindi namin siya naabutan,” dagdag pa niya.

Tumanggi naman si Remulla na sabihin kung saan nakita si Ang.

Matatandaan na inisyu ang arrest warrants laban kay Ang at iba pa dahil sa multiple counts ng kidnapping with homicide at kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here