MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang public high school sa Palompon, Leyte nitong Linggo ng umaga, Abril 12.
Dahil dito ay napinsala ang mga silid-aralan at iba pang learning equipment at nakaapekto sa operasyon ng paaralan.
Sumiklab ang sunog 10:45 ng umaga sa San Guillermo National High School sa Barangay San Guillermo, na nakaapekto sa ilang istruktura kabilang ang computer laboratory, classrooms, office buildings, makeshift library, at opisina ng Supreme Student Government (SSG).
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), batay na rin sa salaysay ng mga tauhan ng paaralan, marami ang school assets na nasira.
Kabilang dito ang 50 laptop na inisyu ng Department of Education, 30 tablets, 30 PC tablets, 20 printers, television units, charging carts, at iba’t ibang math at science equipment.
Wala pang eksaktong halaga ng kabuuang pinsala sa sunog ngunit tinatayang aabot ito sa P850,000.