Home NATIONWIDE MANIBELA magkakasa ng nationwide transport strike mula Disyembre 9–11

MANIBELA magkakasa ng nationwide transport strike mula Disyembre 9–11

296
0
Nagdaos ng tatlong araw na transport strike ang mga miyembro ng transport group na Samahang Manibela, Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon na nagsimula ngayong Lunes, Oktubre 13.Panawagan nila sa kanilang kilos-protesta ang pagpapatigil sa jeepney phase out at consolidation. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng transport group na MANIBELA nitong Huwebes na magsasagawa sila ng tatlong araw na tigil-pasada sa buong bansa mula Disyembre 9 hanggang 11 bilang protesta laban sa umano’y sobrang multa at mabagal na proseso ng mga dokumento ng gobyerno.

Ani MANIBELA chairperson Mar Valbuena, “Hindi lamang po ang grupo ng MANIBELA ang magkakasama rito. Nationwide po ito. Tatlong araw na tigil pasada sa ngayon — Martes, Miyerkules, at Huwebes.” Sinabi rin niya na maaaring pahabain pa ang tigil-pasada.

Ipinahayag ng MANIBELA ang pangamba sa patuloy na paghingi ng provisional authorities sa mga driver at operator ng unconsolidated public utility vehicles (PUV). Ani Valbuena, “Alam naman ninyo na hindi consolidated itong grupo. Tatanungin niyo pa ng mga provisional authority at kung ano-ano.”

Ang Public Transport Modernization Program (PTMP), na sinimulan noong 2017, ay naglalayong palitan ang mga jeepney ng may Euro 4-compliant engines para mabawasan ang polusyon at tanggalin ang mga hindi roadworthy na unit. Ang isang modern jeepney unit ay nagkakahalaga ng higit P2 milyon, na tinuturing na mataas ng mga PUV driver at operator, pati na rin ng mga state-run banks tulad ng LandBank at Development Bank of the Philippines.

Ang consolidation ng individual PUV franchises sa cooperatives o corporations ang unang yugto ng programa. Binanggit din ng MANIBELA ang umano’y pagkaantala sa rehistrasyon ng mga sasakyan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here