Home HOME BANNER STORY MANIBELA nagkasa ng kilos-protesta sa Metro Manila

MANIBELA nagkasa ng kilos-protesta sa Metro Manila

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang public transport group na MANIBELA sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para tutulan ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

“Paumanhin po sa ating mga mahal na mananakay. Under protest po ngayon ang MANIBELA. Nagsama-sama sa rally kaya po walang biyahe,” saad sa pahayag ng grupo sa isang Facebook post.

Samantala, nagtipon ang mga miyembro ng MANIBELA sa opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City.

Tinututulan ng grupo ang Memorandum Circular 2024-043 ng LTFRB, na nagpalawak ng provisional authority para sa PUV na nakasunod sa consolidation requirement ng programa nang hanggang Disyembre 31, 2025 lamang.

Ipinanawagan ng grupo ang iba’t ibang isyu gaya ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo, at bawas na pondo ng pamahalaan para sa PhilHealth kasabay ng tataas na kontribusyon ng Social Security System (SSS). RNT/JGC