Home NATIONWIDE Manibela nagsagawa ng kilos-protesta vs PUV modernization

Manibela nagsagawa ng kilos-protesta vs PUV modernization

127
0

MANILA, Philippines- Inilunsad ng mga miyembro ng transport group na Manibela ang transport strike nitong Lunes, kung saan hinihikayat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibasura ang Public Transport Modernization Program (PTMP). 

Sinabi ni Manibela Chairman Mar Valbuena na tututok ang kilos-protesta sa “protest centers” sa Monumento, Nagtahan, Pasig Palengke, Starmall – Alabang at iba pang lokasyon.

Kabilang sa iba pang protest centers na kasama sa strike ang:

  • Monumento Circle

  • Nagtahan Manila

  • Pasig Palengke – Mang Inasal

  • Gatchalian Puregold Parañaque

  • Starmall Alabang

  • Punta Tulay Manila

  • Muñoz Market Quezon City

  • Marcos Hi-Way Marikina

  • Shell Brgy Gulod Novaliches QC

  • Camarin Zapote Road North Caloocan

  • Pulang Lupa Bernabe Las Piñas City

Tinutuglisa ng mga jeepney driver ang desisyon ng Pangulo na ituloy ang programa sa gitna ng Senate resolution na humihirit ng suspensyon nito.

“Itong event namin today, mga protest centers ito kung saan yung mga drivers at operators ay sama-sama – yung mga magkakalapit ang ruta,” pahayag ni Valbuena sa isang panayam.

“Sana mapakinggan ng Pangulo. Hindi one-sided siya. Porket minority kami, babaliwalain niya kami. Sana mabasa ng ating Pangulo ang Senate resolution. Hindi dapat siya nagababase sa 80 percent na nakapag-consolidate na,” dagdag niya.

Giit niya, hindi pa handa ang bansa sa PUV modernization program.

Inilunsad ng pamahalaan ang PUV modernization program noong 2017. Matatandaang nagkaroon ng ilang pagkaantala sa implementasyon nito dahil sa mga kilos-protesta at COVID-19. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here