MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Korea ang Filipino community sa South Korea na mag-ingat upang maiwasan ang heat-related illnesses sa gitna ng summer heatwave.
Sa abiso, sinabi ng Embahada na dapat uminom ng maraming tubig ang mga Pilipino sa South Korea at magtungo sa maaliwalas na lugar sakaling makaramdam sila ng sintomas ng heat-related illnesses.
“Drink plenty of water, go to a cool place when you feel nausea, dizziness, or headache, and constantly check the news for heatwave warnings or updates are among the ways our community can keep safe during the heatwave,” anito.
Dumarami ang kaso ng heat-related illnesses tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke sa panahon ng extreme temperatures. RNT/SA