Home NATIONWIDE Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly, itinakda ng Archdiocese of Manila

Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly, itinakda ng Archdiocese of Manila

271
0

MANILA, Philippines – Magkakaisa ang Archdiocese of Manila upang talakayin at pagtibayin ang mga programa at hakbang sa pagpapalakas ng ebanghelisasyon, alinsunod sa ipinatutupad na Traslacion Roadmap.

Isasagawa ang Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA) 2026 sa February 9–10, 2026 sa The Fifth, Power Plant Mall, Makati City.

M ay sisimulan ito sa isang banal na misa na pangungunahan ni Cardinal Jose Advincula kasunod ang talakayan sa mga paksang pastoral tulad ng “Traslacion –Who, What, How?” at “Conversation in the Spirit.”

Magkakaroon din ng pagtatanong ng Banana na Sakramento sa ikalawang araw, talakayan at ulat mula sa ibat-ibang grupo.

Magtatapos ang Assembly sa misa at Rite of Commissioning.

PInapaalala ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga pari, relihiyoso at layko upang matugunan ang espirituwal na pangangailangan ng pamayanan.

Ang MAEA ay itinuturing na isang espasyo para sa sama-samang discernment at dialogue bilang bahagi ng misyon ng isang sino daw na simbahan.

Para sa mga nais makilahok maaring makipag-ugnayan sa RCAM–Office for Strategic Management sa (02) 8527-3920 o 0925-490-4673. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here