Home NATIONWIDE Manila LGU namahagi ng bigas sa mga empleyado ng fast food chain...

Manila LGU namahagi ng bigas sa mga empleyado ng fast food chain sa Maynila

84
0
Pinangunahan nina Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pamamahagi ng bigas sa mga empleyado ng isa fast food chain sa UN Avenue sa Maynila, partikular ang mga Senior Citizens, sa ilalim ng programang Biyayang Bigas para sa Maynila. ERIC OCAPAN

MANILA, Philippines – PATULOY ang pamamahagi ng subsidiya sa bigas para sa mga manggagawa sa lungsod ng Maynila sa ilalim ng programang “Biyayang Bigas para sa Maynila” ng administrasyon ni Ferdinand R. Marcos Jr.

Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang distribusyon ng tig-10 kilong komersyal na bigas sa mga empleyado ng isang fast food branch sa kahabaan ng UN Avenue–Del Pilar nitong Lunes, Abril 20.

Ayon kay Domagoso, sinadya ng pamahalaang lungsod na dalhin mismo ang ayuda sa mga lugar ng trabaho upang hindi maabala ang operasyon ng mga negosyo at ang araw-araw na gawain ng mga empleyado. Nakatakda rin aniya ang susunod pang mga distribusyon kada dalawang buwan sa loob ng anim na buwan.

“Huwag kayong mag-alala, kita ninyo, dito kami pumunta. At ito ay gagawin nang sama-sama para sa inyong lahat,” pahayag ng alkalde. “Kapag gusto, maraming paraan.”

Binigyang-diin din ni Domagoso na ang programa ay pagkilala sa ambag ng mga manggagawa sa pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod.

Ang patuloy na pamamahagi ay bahagi ng target ng pamahalaang lungsod na maabot ang humigit-kumulang 80,000 manggagawa at residente. Pinondohan ito ng P286 milyong ayuda mula sa Office of the President sa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU).

Aniya, layunin din ng programa na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng umiiral na tensyon sa Middle East, na nakaapekto sa kabuhayan ng mga pamilyang Pilipino, lalo na ang mga manggagawa.

Ibinahagi naman ng ilang benepisyaryo na malaki ang naitutulong ng programa sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Una nang inilunsad nina Pangulong Marcos at Mayor Domagoso ang programa noong Abril 16 sa SM City Manila, kung saan ipinahayag ng Pangulo ang hangaring makatulong ito sa paglaban sa gutom sa bansa bago matapos ang kanyang termino.

Pinuri rin ng Pangulo ang lungsod ng Maynila sa mabilis nitong pagtugon sa mga programa ng pambansang pamahalaan.

“Kapag nagbubukas kami ng programa, nauuna… Maynila pwede na daw bukas,” ani Marcos. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here