Home NATIONWIDE Manila LGU, tumanggap ng granulated chlorine para sa mga clean-up ops

Manila LGU, tumanggap ng granulated chlorine para sa mga clean-up ops

257
0

MANILA, Philippines – 100 bariles ng granulated chlorine ang idinonate sa pamahalaang lungsod ng Maynila para sa city-wide cleaning at disinfecting operations na isasagawa upang maiwasan ang mga sakit at virus, lalo na sa matataong lugar sa lungsod.

Idinonate ito ng Flying Horse Food Mart sa pamahalaang lungsod ng Manila noong Lunes, Setyembre 1, 2025.

Personal na tinanggap ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga donasyon mula sa Flying Horse Food Mart sa City Hall noong Lunes, at sinabing ang mga ito ay gagamitin ng City General Services Office (CGSO) sa paglilinis sa public pools at markets ng Maynila.

“Maraming salamat po sa Flying Horse Food Mart sa inyong napakahalagang donasyong 100 barrels ng granulized chlorine. Malaki ang maitutulong ng inyong donasyon na ito sa araw-araw na gawain ng ating mga kawani sa paglilinis at pagpapanatili ng kaayusan sa ating lungsod, lalo na sa mga pampublikong pamilihan,” ani Domagoso.

Sa kabila ng araw-araw na paglilinis at flushing operations ng CSGO at Department of Engineering and Public Works, hinimok ng alkalde ang mga ManileƱo na gawin ang kanilang parte upang panatilihin ang kalinisan ng lungsod. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here