Home NATIONWIDE DA nagbabala sa mga abusadong importer ng bigas

DA nagbabala sa mga abusadong importer ng bigas

253
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. noong Martes na masusing sinusubaybayan ng gobyerno ang mga rice trader kasunod ng implementasyon ng 60-day import ban sa regular at well-milled na bigas, na binalaan ang mga abusadong importer na maaari itong mawalan ng permit.

Isinaad ni Laurel na ang mga presyo ng bigas sa lokal na merkado ay tumaas mula ng magsimula ang pag-ban, na may ilang imported na ibinebenta sa mataas na halaga sa kabila ng mas murang mga opsyon na magagamit.

“Nakita din namin sa palengke may imported rice na P48, P47 [per kilo], dating P43 to P45. Pero may imported at P35, P38, P40, P42. So technically sa mamamayan natin ‘yan sana huwag din nambilhin ang mahal… Mayroon mas mura na halos pareho lang quality sa mahal,” aniya.

Hinimok niya ang mga mamimili na maging mas matalino sa kanilang mga pagbili, habang tinitiyak na sinusubaybayan ng Department of Agriculture (DA) ang pagsunod ng mga retailer ng bigas sa ban.

“Kaya pakiusap ko sa ating consumers na tingnan mabuti ang bigas at puwede maganda rin ang mga mas mura na imported. So umiikot kami at mino-monitor namin ang mga import. At nakausap din namin ang importers association at warning namin sila kung umabuso sila dito, baka i-blacklist din namin sila o tanggalin namin sila ng import permit in the future,” aniya.

Samantala, sinabi ni Laurel na ang import ban ay nagbigay ng pansamantalang pagtaas ng presyo ng palay sa mga magsasaka.

“Bago in-announce ‘yan mayroon tayong palay na P8 to P10 [per kilo]. Nu’ng in-announce ‘yan ng ating Pangulo umakyat ng P14 to P15. Mayroon naman ibang lugar umakyat na P8 to P10 to P12 to P13. So nakatulong naman although kulang pa rin,” aniya.

Nilinaw ng hepe ng Agrikultura na ang 60-araw na ban ay pansamantalang hakbang, na binibigyang diin ang pangangailangang amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL) bilang pangmatagalang solusyon.

Ang 60-araw na ban sa pag-import ng bigas ay nagkabisa ngayong linggo bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na patatagin ang mga presyo ng lokal na farm gate at protektahan ang mga magsasaka na Pilipino. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here