Home OPINION MANILA WATER GAGAMIT NG 100% RENEWABLE ENERGY, UNA SA PILIPINAS

MANILA WATER GAGAMIT NG 100% RENEWABLE ENERGY, UNA SA PILIPINAS

236
0

GUMAWA ng isang malaking hakbang ang Manila Water Company tungo sa pangangalaga ng kapaligiran habang sinisiguro ang abot-kayang serbisyo ng tubig para sa East Zone operations nito. Ito ay matapos opisyal na lumipat ang kompanya sa 100% renewable retail electricity supply sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa AdventEnergy, ang retail electricity arm ng Aboitiz Power Corporation.

Garantisado ng nasabing partnership na ang mga pasili­dad ng Manila Water ay tatakbo gamit ang renewable energy. Pi­nagtitibay nito ang pangako ng kompanya na bawasan ang kani­lang carbon footprint habang si­nusuportahan ang programa ng bansa para sa transisyon sa malinis na enerhiya.

Sakop ng kasunduan ang Enterprise operations ng kompanya, kabilang ang East Zone ng Metro Manila at Rizal. Samantala, ang mga business unit sa labas ng East Zone, gaya ng Cebu Water, Tagum Water, Calbayog Water, Laguna Water, Estate Water, LARC Water, Boracay Water, at South Luzon Water ay susuplayan naman ng 20% Renewable Energy (RE) mix.

“Ipinagmamalaki namin ang pormalisasyon ng partnership na ito. Malaki ang maitutulong nito sa buhay ng aming mga customer dahil batid nilang ang isang water utility ay nakikipagtu­lu­ngan sa mga partner gaya ng AdventEnergy upang maghatid ng mga sustenableng solusyon na pinagsikapan naming makamit,” pahayag ni Roberto R. Locsin, Presidente at CEO ng Manila Water.

Nagpasalamat naman si Pre­sident James Yu ng AdventEnergy, sa Manila Water para sa mu­ling pagtitiwala sa partnership na nagsimula noong 2023.

“Sa gabay ng aming pilo­so­piya na Always-on Innovation, la­yunin naming ipagpatuloy ang aming mga naunang tagumpay at mangako sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo para sa mga pamilya at komunidad na na­ngangailangan ng maaasahang tubig.

Ang hangaring ito ay kaalin­sabay ng pangako ng Manila Water na lumikha ng mas ma­buting buhay at matatag na eko­nomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng kritikal na imprastraktura,” aniya.

Sa pamamagitan ng kola­bo­rasyong ito, kapwa nag-aambag ang dalawang kompanya sa renewable energy agenda ng pamahalaan ng Pilipinas at sa mga pambansang pagsisikap pa­ra sa decarbonization.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here