Home NATIONWIDE Manny Villar nananatiling pinakamayaman sa Pilipinas ngayong 2024 – Forbes

Manny Villar nananatiling pinakamayaman sa Pilipinas ngayong 2024 – Forbes

MANILA, Philippines – Nananatiling pinakamayaman sa Pilipinas ngayong 2024 si dating Senate president at real estate mogul na si Manny Villar sa kanyang net worth na $11 billion o nasa P619 billion, sinabi ng Forbes nitong Martes, Abril 2.

Sa 38th annual ranking ng mga pinakamayamang tao sa mundo, umakyat naman si Villar sa ika-190 pwesto sa pinakabagong listahan ng Forbes ng mga bilyonaryo sa buong mundo.

Mas mataas ito ng 42 places mula sa nakaraang taon na ika-232 na pwesto.

Samantala, nananatiling second richest person sa Pilipinas si Ports magnate Enrique Razon sa estimated net worth na $10 billion o nasa P560 billion. Siya naman ay nasa ika-224 pwesto sa listahan, mas mataas ng 88 places mula sa 312 noong nakaraang taon.

Ikatlo rito sa Pilipinas si Ramon Ang at ika-920 sa buong mundo sa estimated net worth na $3.5 billion o P195 billion.

Ikaapat si Hans Sy sa pinakamayaman sa bansa at ika-1286 sa buong mundo sa net worth na $2.6 billion,

Nag-tie naman sa ika-1330 na pwesto sina Henry Sy, Jr., Herbert Sy, at Lucio Tan sa net worth na tig-$2.5 billion.

Nakuha naman ni Harley Sy, sa net worth nitong $2.4 billion ang 1380th place, habang 1438th place naman si Teresita Sy-Coson sa $2.3 billion.

Kabilang din sa listahan sina Elizabeth Sy sa 1545th place sa $2.1 billion net worth, habang ika-1623 naman si Andrew Tan sa $2 billion net worth.

Ang founder at chairman ng Jollibee Foods na si Tony Tan Caktiong ay nasa ika-2152 pwesto sa net worth na $1.4 billion.

Ang iba pang mga bilyonaryong Pinoy na nasa listahan ay sina Lucio Co ($1.2 billion, 2410th place), Susan Co ($1.1 billion, 2545th place), Lance Gokongwei ($1.1 billion, 2545th place), William Belo ($1 billion, 2692nd place). RNT/JGC