Home METRO Contractor patay sa utility vehicle

Contractor patay sa utility vehicle

LA UNION-Tigok ang isang 30-anyos na lalaki matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang utility vehicle sa Brgy. Concepcion, Rosario ng lalawigang ito kaninang madaling-araw, Abril 3.

Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang driver ng Honda FS150 FL motorcycle na si Mark Anthony Cadaro y Susun, walang asawa, residente ng Brgy. Subusub ng naturang bayan.

Nakilala naman ang driver ng Nissan/Urvan na si Agustin Joseph Solomon y Nova, 22, walang asawa, contractor, residente ng 110 JP Rizal St., Sta. Lucia, Novaliches, Quezon.

Bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa national highway sa naturang lugar ang utility vehicle samantalang patungo naman ng timog na direksyon ang motorsiklo.

Pagsapit ng mga ito sa pinangyarihan ng insidente, umagaw umano ng linya ang motorsiklo at bumangga sa nakasalubong nitong utility vehicle.

Nagtamo ng malubhang sugat ang driver ng motorsiklo na agad na isinugod sa Rosario District Hospital.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan o nasugatan ang driver ng utility vehicle. Rolando S. Gamoso

Previous articlePrice freeze sa LPG, kerosene umiiral sa mga lugar na may state of calamity – DOE
Next articleManny Villar nananatiling pinakamayaman sa Pilipinas ngayong 2024 – Forbes