Home NATIONWIDE Price freeze sa LPG, kerosene umiiral sa mga lugar na may state...

Price freeze sa LPG, kerosene umiiral sa mga lugar na may state of calamity – DOE

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Energy (DOE) nitong Miyerkules, Abril 3 sa mga nagtitinda ng liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene na umiiral pa rin ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Ayon sa DOE, ang price freeze ay epektibo sa loob ng 15 araw mula sa deklarasyon ng state of calamity.

Mahaharap sa parusang pagkakulong ng isang taon hanggang 10 taon at multa na P5,000 hanggang P1 milyon ang mga lalabag dito.

Pinapayagan naman ang ang rollback sa presyo ng mga produkto ngunit ipinagbabawal ang price hike.

Kamakailan ay idineklara ang state of calamity sa Iloilo City, Iloilo province, at Cavite dahil sa outbreak ng pertussis.

State of calamity naman dahil sa epekto ng El Nino ang idineklara sa San Andres, Romblon. RNT/JGC

Previous article84 nasawi sa rabies ngayong 2024 – DOH
Next articleContractor patay sa utility vehicle