MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 84 kaso ng rabies ay nagresulta sa pagkasawi. Ito ay ang mga kasong naitala mula Enero 1 hanggang Marso 16, 2024, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Abril 3.
Sa panayam, sinabi ni Health Undersecretary Enrique Tayag na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Agriculture (DA) kaugnay sa mga iniulat na rabies infection sa mga baka sa Marinduque.
“Binigyang linaw ng Department of Agriculture, kasi ang ni-report naman nila doon ay hindi naman mga aso ‘yung may rabies kundi mga baboy daw diumano. Hinihintay pa namin ang report ng DA kasi dito sa ating bansa, ang rabies ay karaniwan ay sa kagat ng aso na may rabies,” ani Tayag.
Inilagay ng mga awtoridad ang Boac at Buenavista, Marinduque sa ilalim ng state of calamity dahil sa mataas na bilang ng mga kaso ng rabies.
Isa ang nasawi sa kagat ng aso sa nasabing lugar. Nangagat din ang mga asong may rabies ng anim na baboy, tatlong baka at isang Philippine brown deer. RNT/JGC