MANILA, Philippines – Inihain ngayong umaga ng Lunes, Hunyo 23, ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa Korte Suprema ang isang petisyon kung saan humihirit sila sa Commission on Elections ng manual recount para sa mga boto sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.
Batay sa petisyon na mismong sina Atty. Israelito Torreon at Atty. Jimmy Bondoc ang naghain, iginiit nila na marami umanong iregularidad noong May 12 elections dahil wala umanong isinagawang manual counting sa mga presinto.
Paglilinaw ni Atty. Bondoc na hindi layunin ng petisyon na sila’y maupo sa puwesto, kundi upang matiyak na nasusunod ang batas.
Kabilang sa reklamo sa petisyon ang umano’y 17 million na overvotes, nawawalang 6 milyong balota at iba pa. TERESA TAVARES