Home NATIONWIDE DAR maglalabas ng 6,600 titulo sa reporma sa lupa

DAR maglalabas ng 6,600 titulo sa reporma sa lupa

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nakatakdang ipamahagi nito ang mahigit 6,600 titulo ng lupa at certificates of condonation sa paglabas ng mortgage sa mahigit 5,000 agrarian reform beneficiaries. (ARBs) sa Bicol region

Ayon kay DAR regional director Reuben Theodore Sindac na bahagi ito ng patuloy na pagpapatupad ng Republic Act No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act, na nilagdaan bilang batas noong Hulyo 2023.

Nabatid pa kay Sindac na ang ceremonial distribution, na gaganapin sa Fuerte CamSur Sports Complex sa Pili, Camarines Sur, sa Lunes, ay kinabibilangan ng 9,141.28 ektarya ng lupa at mahigit 5,006 na benepisyaryo.

Kaugnay nito may kabuuang 5,255 na titulong walang utang ang igagawad sa 3,988 ARB mula sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon, na sumasakop sa 7,115.98 ektarya ng lupa. Ang isa pang 1,410 na titulo ng lupa ay ipapamahagi sa 1,018 ARB, na sumasaklaw sa pinagsamang lugar na 2,025.30 ektarya. Santi Celario