Home METRO Isa sa suspek sa pamamaril sa 2 estudyante timbog sa mga parak...

Isa sa suspek sa pamamaril sa 2 estudyante timbog sa mga parak sa SJDM

Bulacan – Arestado ang 40-anyos na babaeng Most Wanted Person (City Level for the month the month of June 2025) sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang naarestong wanted na si alyas Angel, may-asawa, residente ng Brgy. San Roque.

Sa report ng pulisya, isinilbi ang WOA sa akusado ng Warrant Section ng SJDM police station katuwang ang 301st MC, RMFB 3 at 3rd SOU, PNP Maritime Group bandang 8:56 ng umaga nitong Hunyo 20, sa Purok 3, Brgy. San Roque.

Nabatid na ang WOA sa kasong 2 counts of murder ay inilabas ng RTC Branch 120, SJDM, Bulacan nitong Hunyo 18, 2025 na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing ang nahuling si Angel ay kasama ng asawa niyang suspek na si alyas Randy sa pamamaril ng dalawang binatang sina Rey Allen, 20 at Jeric, 20 kapwa criminology student ng Brgy. San Isidro na pinagbintangang nakasuntukan ng kanilang anak noong Abril 21 sa coffee shop sa Brgy. Paradise 3.

Nakunan ng CCTV footage ang pag-takas ng suspek, may bahay na si Angel at anak nilang binatilyo lulan ng motorsiklo ilang segundo ang pamamaril sa naturang coffee shop.

Samantala, ang akusado ay kasalukuyang nasa Custodial Facility para sa proper documentation. Dick Mirasol III