MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, ang pagsisikap na mapahusay ang ‘access sa digital education at basic learning’ na kailangan sa Marawi City.
Binigyang diin ang commitment ng administrasyon na gawing mas accessible ang edukasyon sa mga kabataang filipino lalo na sa conflict-affected at remote communities.
Bilang bahagi ng kanyang pagbisita, in-inspeksyon ni Pangulong Marcos ang Temporary Learning Spaces (TLS) sa Barangay Sagonsongan, kung saan mahigit sa 720 estudyante ang kasalukuyang naka-enroll sa limang eskuwelahan.
Ang TLS program ay ang nagpapatuloy na government intervention na nagsimula matapos ang naging bunga ng 2017 Marawi siege, nagbibigay ng emergency classrooms para sa mga mag-aaral kung saan ang mga eskuwelahan ay nasira o hindi na naging accessible dahil sa gulo.
Sa kabilang dako, personal na sinaksihan naman ng Pangulo ang pagkakabit ng Starlink internet unit- isang personal donation para suportahan ang mga estudyante at guro gamit ang maaasahang internet connectivity sa loob ng TLS site.
Idagdag pa rito, nagbigay din ang Pangulo ng isang Starlink unit sa bawat eskuwelahan sa remote areas ng luingsod gaya ng:
Bangon Elementary School
–Bacarat National High School
–Angoyao National High School
–Cabasaran Primary School
Kasama ng internet kits, namahagi ang Office of the President (OP) ng school bags na may supplies sa lahat ng mga estudyante na kasalukuyang naka-enroll sa TLS sites.
Nagsagawa rin ang Pangulo ng pag-inspeksyon sa ibang ‘education, medical, at transportation facilities’ habang binibisita niya ang Marawi City.
Ang deployment ng Starlink satellite internet sa mga ‘underserved schools’ ay bahagi ng mas pinalawak na digital infrastructure, naglalayong itulay ang education gap sa geographically isolated at disadvantaged areas sa buong bansa. Kris Jose