MANILA, Philippines – Isang lalaki ngayon ang pinaghahanap ng Angono police na bumaril sa isang tricycle driver.
Ayon sa imbestigasyon ng Angono PNP, bandang 4:55 ng umaga nangyari ang pamamaril sa Villaluz St. Brgy. Kalayaan, Angono nang biglang sumulpot ang Suspek at pinagbabaril ang biktima habang papalabas ng bahay kasama ang kanyang asawa.
Kinilala ang biktima na si Antonio Mercado y Mariano, lalaki, 49-anyos, may asawa, tricycle driver, at residente ng #80 Villaluz St., Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal.
Kasunod nito, tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Samson Street sakay ng motorsiklo.
Isang follow-up operation at CCTV backtracking ang isinasagawa para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa suspek.
Agad na isinugod ang nasabing biktima sa Rizal Provincial Hospital System Angono Annex para magamot.
Gayunpaman, ang biktima ay idineklarang Dead on Arrival (DOA) ng Attending Physician.
Pinaghahanap naman ang hindi pa nakikilalang lalaki, 5’2″ ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon, at itim na helmet, sakay ng NMAX na kulay itim. Maritess Pumaras