Home NATIONWIDE Mapayapang paninindigan sa WPS, pinananatili ng Pinas – NSC

Mapayapang paninindigan sa WPS, pinananatili ng Pinas – NSC

350
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng National Security Council (NSC) na hindi dapat ituring na paninindak ang mga hakbang ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), sa gitna ng panibagong banta mula sa China.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año nitong Agosto 30, “hindi ang ating mga barko ang nang-iintimidate, nangha-harass, o agresibo,” at tiniyak na ipagtatanggol ng gobyerno ang soberanya sa ilalim ng international law, kabilang ang 2016 arbitral ruling at Philippine Maritime Zones Act.

Binanggit ni Año ang survey ng OCTA Research na nagsasabing 76% ng mga Pilipino ang suportado ang pagtindig ng bansa sa WPS, habang 85% ang walang tiwala sa China dahil sa agresibong aksyon at smuggling activities nito.

“Maliwanag ang tinig ng taumbayan: ang pagtatanggol sa ating karapatan sa West Philippine Sea ay hindi lang polisiya ng gobyerno kundi pambansang adhikain,” ani Año.

Dagdag niya, ang joint patrols at military exercises kasama ang mga kaalyado, gaya ng Exercise ALON 2025 kasama ang Australia, ay normal na defense operations para tiyakin ang kapayapaan at isang malaya at bukas na Indo-Pacific.

Nagbabala kamakailan ang Chinese defense ministry ng “consequences” laban sa Pilipinas kaugnay ng umano’y “provocations,” matapos ang banggaan ng mga barko ng China at Pilipinas sa Bajo de Masinloc at pagdami ng presensiya ng China sa Ayungin Shoal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here