Home NATIONWIDE Int’l ports babantayan ng BI sa mga suspek sa missing sabungeros

Int’l ports babantayan ng BI sa mga suspek sa missing sabungeros

253
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo na mahigpit nitong babantayan ang lahat ng international ports laban sa anumang pagtatangkang umalis ng bansa ng mga kinasuhan kaugnay ng pagkawala ng mga “sabungeros.”

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, iniutos ni Commissioner Joel Anthony Viado ang direktiba kahit wala pang natatanggap na Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) mula sa Department of Justice (DOJ).

Kabilang sa mga kinasuhan ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero sina negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at aktres na si Gretchen Barretto, na kapwa itinanggi ang paratang.

Sinabi ng DOJ na natapos na ang pagsusuri sa mga reklamong multiple murder at illegal detention, at sisimulan na ng panel of prosecutors ang preliminary investigation upang malaman kung dapat isampa sa korte ang kaso. Dagdag ni Prosecutor General Richard Fadullon, maaari ring humiling ng precautionary hold departure order (PHDO) upang hadlangan ang sinumang suspek na makaalis ng bansa.

Lalabas ang buong listahan ng mga respondent sa oras na maglabas ng subpoena ang DOJ para ipatawag sila sa imbestigasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here