Home NATIONWIDE Mapayapang resolusyon sa India-Pakistan tension ipinanawagan ng Pinas

Mapayapang resolusyon sa India-Pakistan tension ipinanawagan ng Pinas

(c) Reuters

MANILA, Philippines – NANAWAGAN ang pamahalaan ng Pilipinas ng mapayapang resolusyon sa tumitinding tensyon sa pagitan ng India at Pakistan, kasunod ng missile strike ng New Delhi sa Pakistan-administered areas sa rehiyon ng Kashmir.

Sa isang kalatas, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na:

“The Department is closely monitoring the situation between India and Pakistan. We call for a peaceful resolution to the current issues.”

Ang pahayag ng DFA ay kasunod ng pag-atake ng isang militanteng grupo sa Pahalgam na ikinasawi ng 28 katao, karamihan ay mga Hindu pilgrims. Wala pang opisyal na tugon ang pamahalaang India sa nasabing pag-atake, subalit nagpatupad na ito ng heightened alert status at nagdagdag ng seguridad sa mga border area.

Nangangamba ang maraming residente sa rehiyon sa posibilidad ng mas malawak na sagupaan, sa takot na muling maulit ang madugong Mumbai Attack noong 2008. Matagal nang may alitan ang dalawang South Asian nuclear powers, na parehong nag-aangkin ng buong rehiyon ng Kashmir.

Nauna nang inakusahan ng India ang Pakistan ng umano’y pagsuporta sa mga grupong nasa likod ng Kashmir massacre na ikinasawi ng 26 na sibilyan. Tinawag naman ni Pakistan Prime Minister Muhammad Shehbaz Sharif ang missile strike ng India bilang isang “act of war.”

Samantala, nanawagan din ang United Nations para sa maximum restraint mula sa magkabilang panig. Sa kanyang pahayag sa X (dating Twitter), sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres:

“It is essential—especially at this critical hour—that India and Pakistan avoid a military confrontation that could easily spin out of control. Make no mistake: A military solution is no solution.”

Nananatiling nakaantabay ang mga lokal na mamamayan at internasyonal na komunidad sa magiging susunod na hakbang ng dalawang bansa, sa gitna ng panawagan para sa diplomasya at kapayapaan. Kris Jose