MANILA, Philippines- Itinalaga ng Philippine National Police (PNP) si public information chief Police Brigadier General Redrico Maranan bilang bagong acting director ng Quezon City Police District.
Ito ay kasunod ng pagbitiw sa pwesot ni dating QCPD chief Police Brigadier General Nicolas Torre III upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa road rage incident na kinasasangkutan ng dating pulis at isang siklista.
Samantala, pinangalanan si PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo bilang acting head ng PNP Public Information Office.
Batay sa order para sa kanilang pagkakatalaga, na kinumpirma ni Fajardo, epektibo ang bago nilang tungkulin noong Agosto 31. RNT/SA