Home ENTERTAINMENT Marco, kinuwestyon sa pagtakbo!

Marco, kinuwestyon sa pagtakbo!

182
0

Manila, Philippines- Isang mabilisang tingin sa educational background ni Marco Gumabao ay mapapa-impress ka.

Mula prep hanggang 4th year high school ay sa Ateneo siya nag-aral.

Sa DLSU naman nagkolehiyo ang aktor.

Sa ngayon, kumukuha siya ng public governance, policy making at economics sa UP Natiinal College of Business Administration.

Impressive man ay minemenos pa rin si Marco ng ilan lalo na sa kanyang pagtakbo sa Kongreso bilang kinatawan ng 4th District ng Camarines Sur.

Ang hindi alam ng ilan, may mga miyembro ng pamilya si Marco na galing sa pulitika, isa na nga rito ay ang kanyang amang si Dennis Roldan who held a post in the 3rd District of Quezon City in 2005.

Hindi nga lang pinalad, pero tumakbo rin bilang 2nd nominee ang kapatid niyang si Michelle Gumabao mula sa isang party list noong 2022.

This coming election in 2025 ay pursigido na nga si Marco to tread a political path.

Isa nga ang Viva actor to have filed his CoC on the first day of filing.

With Marco ay ang kanyang nobyang si Cristine Reyes.

Identified ang aktor sa tiket ng Villafuerte.

Aware si Marco sa stigma na nakakabit sa mga artistang nangangahas pumalaot sa pulitika.

Pero buong kumpiyansa si Marco sa pagmamalaking: “Masipag ako!”

Looks-wise, may bentahe na si Marco.

His performance in Congress, however, remains to be seen.

Sana nga’y magamit ni Marco to his full advantage ang kanyang credentials sa mga paaralang pinasukan niya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here