Manila, Philippines – Hindi lang yata pagmamahal ang nadarama ni Marco Gallo kay Heaven Peralejo kundi pagsamba ра!
Imagine, inamin mismo ni Heaven na may mga times daw na dumarating siya sa set nang nakatsinelas.
Siyempre nga naman, her feet would gather dirt kaya ang ginagawa ni Marco: “Pinapaupo niya ako at nililinis niya ang mga paa ko!”
Ganoon din daw pag makalat sa set, Marco makes it a point to clean it up.
Bagama’t magandang virtue ang cleanlines, parang way too OA naman na pati maruming paa ng nobya niya’y siya pa rin ang naglilinis.
Parang “tapat ko, linis ko” lang ang peg dapat.
Since paa naman ni Heaven ang marumi, then she might as well clean them up herself.
lasa ba sa nobyo?
By the way, sa isang Media Commute kung saan kasabay ng press at bloggers ang main stars ng pelikula en route sa pagdadausan ng mediacon ay may preliminary question and answer portion na rin.
Sa kaso nina Heaven at Marco, maging ang kanilang MaVen fans were on board the bus.
Saksi ang press, bloggers at fans kung gaano ka-sweet ang magnobyo.
PDA as in Public Display of Affection ba ‘ika n’yo?