MANILA, Philippines — Iniutos ng Sandiganbayan Third Division nitong Lunes ang 90-araw na preventive suspension ni Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng kinakaharap niyang kasong plunder.
Inakusahan si Marcoleta ng hindi pagdedeklara ng ₱75 milyong donasyon.
Nauna nang naglagak ang senador ng ₱90,000 piyansa para sa mga kasong may kaugnayan sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal at pulitiko na tumanggap ng regalo. RNT/MDS