Home NATIONWIDE Marcos ‘di makikialam sa mga kasong ipaprayoridad ng SC — Palasyo

Marcos ‘di makikialam sa mga kasong ipaprayoridad ng SC — Palasyo

1
0

MANILA, Philippines – Hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga usapin ng hudikatura, kabilang ang pagpili ng mga kasong bibigyang-prayoridad ng Supreme Court (SC), ayon sa Malacañang nitong Martes.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na walang ibinigay na partikular na direktiba ang Pangulo kung anong mga kaso ang dapat unahing resolbahin ng susunod na Chief Justice.

“Walang napag-usapan, nasa kamay na po iyan ng Supreme Court, nasa kanilang priority kung anong uunahin nilang desisyunan na kaso,” ani Castro.

“So, hindi po nagdidikta ang Pangulo sa mga ginagawa ng mga korte,” dagdag niya.

Kaugnay naman sa pagpili ng susunod na Chief Justice, sinabi ni Castro na nagpapatuloy pa ang evaluation at wala pang shortlist na isinusumite sa Pangulo.

Magretiro si Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6, 2026, pagsapit niya sa mandatory retirement age na 70. Kinumpirma rin ng Supreme Court ang naturang petsa ng kanyang pagreretiro.

Samantala, nominado ni retired Supreme Court Associate Justice Arturo Brion si Associate Justice Jose Midas Marquez para sa posisyon. Inendorso rin siya ng Association of Retired Regional Trial Court Judges of the Philippines sa Judicial and Bar Council.

Ang JBC ang naghahanda ng listahan ng mga nominado para sa judicial appointments, kung saan pipili ang Pangulo ng itatalaga sa bakanteng posisyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here