MANILA, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Nobyembre 25 na ang pamilya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa likod ng pagpatay kay senador Benigno Ninoy Aquino Jr.
“Oo, di ba, pumalag nga iyong buong bayan nu’ng pinatay ng pamilya nila si Benigno Aquino Jr,” sinabi ni Duterte, sa sidelines ng pagdinig ng Kamara kaugnay sa paggamit niya ng badyet ng kanyang opisina.
Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng tanong sa kanya kung ano ang masasabi nito sa pahayag ni Marcos na haharangin niya ang anumang “criminal attempts” sa kanyang buhay.
“‘Yang ganyang kriminal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas. ‘Yan ay aking papalagan,” ani Marcos.
Wala pang tugon ang Malakanyang kaugnay nito. RNT/JGC