Home NATIONWIDE DOLE nagpaalala sa mga employer sa pagbibigay ng 13th month pay

DOLE nagpaalala sa mga employer sa pagbibigay ng 13th month pay

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Labpr and Employment (DOLE) ang mga employer ng mandatory release ng 13th month pay ng kanilang empleyado sa/bago ang Disyembre 24 (Christmas eve).

Sa labor advisory, nagbigay ang DOLE ng guidelines para sa tamang komputasyon para sa 13th month.

“The 13th month pay shall be paid to rank-and-file employees in the private sector regardless of their position, designation, or employment status, and irrespective of the method by which their wages are paid, provided that they have worked for at least one month during the calendar year.”

“It shall also be given to rank-and-file employees who are paid on a piece-rate basis, fixed or guaranteed wage plus commission, those with multiple employers, those who resigned, were terminated from employment, or were on maternity leave and received salary differential,” ayon sa abiso.

Ang 13th month pay ay alinsunod sa article 5 ng Labor Code.

Ayon sa DOLE, ang mandatory benefit ay hindi bababa sa 1/12 ng basic salary ng isang empleyado sa loob ng calendar year.

Ang mga kahilingan o aplikasyon o pagpapaliban ay hindi tatanggapin.

Ayon sa DOLE, ang mga employer ay dapat gumawa ng ulat ng kanilang pagsunod sa pamamagitan ng DOLE Establishment Report System nang hindi lalampas sa Enero 15, 2025.

Ang DOLE, Respective Regional/Field/Provincial Office na may hurisdiksyon sa lugar ng trabaho ay dapat sumusubaybay sa pagsunod sa p[angkalahatang pamantayan sa paggawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden