Home NATIONWIDE All-out war vs violence against women, inilunsad ng DOJ

All-out war vs violence against women, inilunsad ng DOJ

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang kampanya nito para matigil ang karahasan laban sa mga kababaihan.

Idineklara ni Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla ang all out war sa pamamagitan ng
18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW).

Muling iginiit ng DOJ ang pangako nito na manindigan at protektahan ang karapatan ng mga babae sa pamamagitan ng tamang aplikasyon ng rule of law.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng kalihim ang lahat ng opisyal nito at mga kawani na maging aktibo at maging paraan upang magkaroon ng pagbabago.

“I call on everyone here today to empower victims of VAW by disseminating information on available support services and resources of the government aimed at empowering VAW survivors, reminding them that they are never alone in this noble fight. To the perpetrators, we will run after every single one of you,” ani Remulla.

Ang tema sa 18-day to end VAW ay “VAW Bigyang-Wakas, Ngayon na ang Oras!.” Tatakbo ito mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.

Batay ito sa Republic Act 10398 na nagdedeklara sa Nobyembre 25 ng kada taon bilang National Consciousness Day for the Elimination of VAWC.

Hinamon naman ni Undersecretary Margarita N. Gutierrez ang lahat na aktibong makilahok sa kampanya.

“I urge each of you to actively participate in this campaign. Share your knowledge, spread awareness about its provisions, engage in conversations about consent; challenge harmful stereotypes; and stand up against violence in all its forms.” TERESA TAVARES