Home NATIONWIDE NBI humiling sa Meta, video ni VP Sara ipreserba bilang ebidensya

NBI humiling sa Meta, video ni VP Sara ipreserba bilang ebidensya

MANILA, Philippines – Hiniling na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Facebook Meta na ipreserba ang video ng pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. bilang ebidensya kung pagtatangka laban sa kanya ay magtatagumpay.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na hindi nila babalewalain ang pahayag ni Duterte at nagsasagawa na sila ng motu propio investigation sa usapin.

Kinumpirma rin ng NBI ang authenticity ng viral video, at sinabing hindi ito deepfake o nabuo gamit ang artificial intelligence (AI).

Bukod dito, sinabi ni Santiago na ipapatawag si VP sara kasunod ng kanyang naging pahayag laban kay Marcos.

Kinumpirma rin ng Department of Justice (DOJ) na maglalabas ng subpoena laban kay Duterte kasunod ng kanyang assassination remark laban kay Marcos. Jocelyn Tabangcura-Domenden